May 5, 2016

Wala daw star quality ang 4th Impact


[To the non-Tagalog speaking readers, I apologize that this post is mostly in my native language. Aside from it is most convenient and effective to express in my mother tongue, the target audience of this post are Filipinos. I will not advise the use of Google translator or similar because it usually doesn't give the correct translation.]

Medyo matagal na rin akong hindi nakapagsulat dito sa blog ko. Yung pinakahuli kong post ay tungkol sa audition video ng 4th Impact (na sina Almira, Irene, Mylene at Celina) at ang kanilang tour kasama ang ibang X Factor UK finalists. February pa yun! 3 months na pala ang nakalipas.

Balikan natin ang audition video ng 4th Impact. May part sa kwento ng girls na nag-stick sa isip ko. Panoorin muna natin ang part na yun dito sa video clip.

Video clip from X Factor UK audition

Sabi ni Almira, "We love X Factor..." sinundan kaagad ni Irene ng "UK." Sa tuwing mapapanood ko ang Bang Bang audtion video nila at maririnig ko ang mabilis na dagdag ni Irene ng "UK" randam ko na may ibig sabihin yun. Malaki ang hinala ko na nag-audition sila sa X Factor Philippines at hindi sila nakapasa.

At ganun na nga ang nangyari. Sa press conference ng 4th Impact sa Dubai, isang araw bago ang concert nila doon noong April 29, may nagtanong sa girls kung bakit kaya hindi sila napapansin sa Philippines noon. Bukod sa kawalan ng tamang manager at connections, sinabi rin ni Almira na sa Pilipinas, importante ang "star quality." Dinagdag din niya na nag-audition sila sa X Factor Philippines (ng ABS-CBN) pero hindi sila nakapasa dahil nga sa "star quality."

Ano nga ba ang "star quality" para sa Pilipinas? Ano nga ba ang hinahanap ng mga big and influential people sa showbiz ng Pinas? Yung maputi, matangkad, matangos ang ilong, mahaba ang hair, makinis ang balat, mestiza-looking na parang pang beauty contest? Teka lang. Singing contest naman ang X Factor, di ba? Para sa akin, hanapin mo muna ang talent. Magaling ba talagang kumanta? Mahusay bang mag-perform. May connection ba sa audience? Ramdam ba ang message ng song? Pag yes, e di yes na!

Pero may mga kokontra at sasabihin: E pano naman ang beauty, 'day? Wala namang ka-persona-personality ang singer na yan! Pano yan hahakot ng tao? Lugi tayo dyan! Tingnan mo naman ang hair...parang steel wool! Ang kutis, hmmm. At ang height kulang! Baka hindi yan makita sa stage!

Alam ko na syempre dagdag puntos ang beauty. May tinatawag nga silang total package. Maririnig mo yan sa mga judges. "You have the total package. It's a yes from me!" Minsan nga dahil sa sobrang gwapo at ganda, nalilimutan na ang piyok o sabit sa mga nota sa audition piece nila.

Para sa akin, kapag ang isang magaling na singer ay binalewala mo dahil sa kanyang looks, binalewala mo na rin ang kakayahan ng mga make-up artists, stylists at mga personality coaches. And I'm talking about the excellent ones. Hindi yung basta na lang maglalagay ng makapal na make-up ha? Yung tipo bang i-e-enhance nya ang beauty ng singer, babae man o lalaki. Ililitaw nya ang natural na ganda. Pag-aaralan nya kung ano ang bagay na hairstyle para sa kanya. Mag-experiment ng kung anong klaseng clothing style ang angkop sa kanya. Business ang showbusiness kaya may investment din dapat. Sa tingin ko, may paraan at mas madaling mailabas ang star quality na sinasabi nila kaysa sa hanapin ang talento na wala naman. Kahit pigain mo ang lalamunan ng tao, kung walang matinong nota sa loob, wala. Nganga!

Sana naman matuto na ang mga TV networks tulad ng ABS-CBN. Imulat ang inyong mga mata at buksang mabuti ang inyong mga tenga. Ang hirap nyan, kapag napansin na sa ibang bansa, doon pa lang mare-realize na uy, ang galing pala nila! Hanga ang mga banyaga, kaya hanga na rin tayo! Di ba insulto yun para sa ating mga Pinoy? Parang nakabase ang pagbibigay natin ng halaga sa ating mga singers (o kung ano pa mang propesyon) sa kung paano ang pagtingin o judgement ng mga banyaga. Wala ba tayong sariling disposisyon o sadyang inuuna lang lagi ang network ratings?

Ang tingin ng marami, pati ako, it's all about the ratings. Hindi nakapasa ang magkakapatid sa X Factor Philippines audition kasi walang star quality. Dahil walang star quality, hindi yan papansinin ng tao kaya hindi papanoorin. Pag hindi nanood ang mga tao, pano aangat ang ratings? Pero nang maging hit sa X Factor UK at gumawa ng ingay abroad, nang nagbakasyon sa Pinas ang mga girls, aba, guests sila sa ASAP. Not just once, but thrice! Di ba katawa-tawa yun? Hindi pumasa sa audition nila, pero nag-perform as professionals sa ASAP. Anyare?

Buti na lang at hindi taga-Pinas sina Aretha Franklin, Chaka Khan, Sammy Davis, Jr., Ray Charles, Jennifer Holliday, atbp. Dahil taga Pinas ako, alam ko kung ano ang "star quality" na hinahanap nila. Hindi nila yan makikita dito sa mga nabanggit kong magagaling at nirerespetong mga singers. Bago pa man sila makahawak ng microphone, wala na. Out na.

Sana talaga matuto na ang mga big and influential people sa Pinas. Sang-ayon ako na kelangang may personality at beauty rin ang mga singers. Pero siguro nga, iba-iba talaga ang pananaw ng mga tao sa kagandahan. Ang pagkakamali lang nila, hindi nila agad nakita ang angking ganda nina Almira, Irene, Mylene at Celina. Star quality ba kamo? Look!


Mula sa Supreme ng The Philippine Star


Kuha sa taping ng Spotlight ng UNTV


Kuha sa press conference para sa Paradise International Music Festival


Mula sa Supreme ng The Philippine Star


Kuha sa isang gig sa UK


Screen capture sa X Factor UK rehearsal video


Mula pa sa kanilang pagkabata hanggang sa kasalukuyan, kita sa magkakapatid ang kanilang magandang samahan at magagandang ngiti tulad ng nasa picture sa ibaba. At huwag kalilimutan ang kanilang magagandang boses at nakakapanindig-balahibong harmony. Sabi nga ni Celina sa presscon sa Dubai...iba-iba ang katangian ng kanilang mga boses. Bawa't isa sa kanila ay may special na kakayahan na kapag pinagsama-sama, impact! 

May star quality na, may impact pa. Saan ka pa? 

Mula sa post sa Twitter ng 4th Impact


1 comment:

  1. Super agree ako sayo Miss. I love 4th Impact so much and I can't believe na ni-reject sila dito sa pilipinas. Grabe wala talaga silang pag-asa dito sa pilipinas kung mananatili sila dito. Dapat dun na lang sila sa ibang bansa kasi mas napapansin sila dun. Sobrang galing nila pero binalewala lang sila dito. Anyway, sana magkaroon na sila ng record deal hehe #ILove4thImpact

    ReplyDelete