September 28, 2012

Ang Kwento ni Frida

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
I apologize to the non-Tagalog speakers who have been re-directed to this post. There are many Tagalog words used here because of the nature of the subject. Of course, you can use online translators. However, I do not recommend them because, as you may already know, some thoughts are lost in translation. -twestj
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sa Funfare column niya sa The Philippine Star, sinabi ni Mr. Ricky Lo ang mga sumusunod na patungkol kay Charice.

          …a girl who was born and raised in the Philippines but who, after 
          she made a name on a foreign land, brazenly forgot her origins, 
          changed not only her looks (hair and all) but also her accent (phony!)
          …a girl who has virtually renounced her “Filipino-ness” and obviously 
          assumed a glaringly fake American identity –Ricky Lo

May mga taong nakabasa at naimpluwensyahan ng mga sinabi ni Mr. Lo. Isa na rito ang kaibigan ni Frida na si Luzviminda. Hahayaan kong si Frida mismo ang magkwento sa atin.

* - * - * - * - * - * - * - - * - * - * - * - * - * - * - 

Ako si Frida. Gusto kong ibahagi ang isang kwentong nangyari kahapon lamang. Kasama sa kwentong ito ang kaibigan kong si Luzviminda, Mindy for short.

Habang nagpi-prepare ako for work, nag-ring ang phone ko. Sino kaya ito at napakaagang tumawag? Pagtingin ko sa phone…si Mindy…hmm bakit kaya?

Frida: Hi, friend! Musta?
:::::::::::::::::: dead air ::::::::::::::::
Frida: Hello?......Oh me, oh my! Bakit ka umiiyak?
Mindy: Pwede ba tayong magkita after your work?
Frida: Sure. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?
Mindy: I’ll tell you later.
Frida: Sige. Nasa inyo ka na ba?
Mindy: Yeah, just arrived home. See you at five?
Frida: Ok. Same restaurant?
Mindy: Yeah. Sige. Sleep na muna ako.
Frida. Ok. Kita tayo mamaya.

Hanggang sa work, nagtataka ako. Ano kayang nangyari? Kelangan kong bilisan ang trabaho para maagang makatapos. Walang over-overtime ngayon.

Sa isang restaurant sa mall kami nagkita ni Mindy. Habang kumakain kami, tahimik lang sya. Parang hirap pa syang ikwento agad kung ano’ng nangyari. Nang patapos na kaming kumain, tinanong ko na sya.

Frida: Okay. Ano ba talagang nangyari?
Mindy: (nangingilid ang luha) I might lose my job…
Frida: Ha? Bakit?
Mindy: Because…My supervisor…Kasi...hu-hu-hu…I might lose my job...
Frida: Wait…Paki eksplika mo nga ng ayos. Ang tagal mo na sa call center 
          na yan ah!
Mindy: Yeah. Almost 4 years.
Frida: Hmmm… wag mong sabihing gumawa ka ng bawal...nang-away ka ng 
          customer, 'no?
Mindy: (masama ang tingin nya sa akin) I don’t do that!
Frida: Alam ko naman e. Sorry. Bakit nga kasi? Why?
Mindy: My evaluation…I got low marks.
Frida: Low marks? (very careful ako sa pag-pronounce ng "low" kasi 
          ang turo sa akin ni Mindy, dapat long o yun)
Mindy: (nodding)
Frida: Pano nangyari yun?
Mindy: Kasi I didn’t want them to tell me na…
Frida: Sinong them?
Mindy: (malalim na buntung-hininga) It’s about the Filipino-ness….
Frida: Ha??? Wait lang. Anong Filipino-ness ang pinagsasasabi mo dyan? 
          Paki explain.
Mindy: Nagkatuwaan kasi sa production floor. Someone challenged us 
           to act like real Pinoys. Syempre, pakikisama… so, I joined them.
Frida: Ha?! Anyway, so...ano’ng ginawa mo?
Mindy: I talked to the customers with the Pinoy accent...yung hard accent.
           Tapos, after shift, kinausap ako ng supervisor ko because of complaints.
Frida: Sino’ng nag-complain?
Mindy: The customers…
Frida: Ano’ng complaints?
Mindy: They couldn’t understand me daw…hu-hu-hu…
Frida: Ah. Ok. Tapos?
Mindy: My supervisor gave me low marks on communication skills…
           and a written warning…hu-hu-hu…
Frida: May dati ka na bang warning?
Mindy: Wala. Pero alam mo naman ang competition sa work ko.
Frida: Oo nga 'no? Don’t cry na... Buti pa, punta tayo sa salon. Di ba matagal na 
          nating balak magpa-color ng hair? Treat ko.

So, pumunta kami sa salon. Medyo mapula pa ang mata ni Mindy kaya ako na 
ang kumausap sa receptionist.

Frida: Hi, Miss…
Miss: Hello, ma’am. Magpapagupit kayo?
Frida: Hinde. Magpapakulay kami ng hair.
Miss: Ano’ng kulay? Pili kayo dito o…
Frida: Ako ito. (tinuro ko yung kulay) Mindy, ikaw, alin?
Mindy: Ako ito…tapos gusto ko may streaks na ganito. (tinuro nya ang mga kulay)
Miss: Ah, ma’am...may dala ba kayong birth certificate?
Frida: Ha?!
Miss: Birth certificate.
Frida: Ano naman ang kinalaman ng birth certificate sa pagpapakulay ng buhok?
Miss: Ma'am, yan ang patakaran e.

Tinapik ako ni Mindy sa balikat. Tinuro nya sa akin ang poster sa wall ng salon.

Frida: Ano?! Pag taga-Pinas hindi pwede? E yun ang gusto kong kulay!
Miss: Sorry ma’am…sumusunod lang kami sa patakaran. Pero kung may 
         maipapakita kayong…
Frida: Teka...sandali lang…(kinuha ko ang wallet ko sa bag) O heto…
          international driver’s license.
Miss: (tinitingnan nyang mabuti ang mga nakasulat doon) E ma’am…yung 
         Country of Birth...nakalagay--Philippines. Sorry, hindi talaga pwede e.
         Kung gusto nyo, ibang kulay na lang.
Frida: Miss… (pinipigilan kong lumakas ang boses ko) Saan ba nanggaling
         yang patakaran na yan? Porke ba pinanganak ako sa Pinas...

Tinapik na naman ako ni Mindy.

Mindy: (pabulong) Tama na, Frida.
Frida: Sige, Miss. Thank you na lang.

Inis kaming lumabas ng salon. Tuloy ang usapan namin habang naggagala sa mall.

Frida: Sino ba’ng gumawa ng patakaran na yun? Napaka…ridiculous…low level…
          irritating…katawa…ewan! Di ko ma-describe!
Mindy: Forget it! C’mon! Let’s just go window-shopping.
Frida: Kanina ka pang Ingles ng Ingles dyan. Ano ka ba? Wala ka sa work ‘no?
Mindy: Ay sorry naman. Force of habit.
Frida: Force of habit ka dyan.
Mindy: Di ka naniniwala?
Frida. Just kidding. Pero ha…helpful talaga yung mga tips mo sa mga 
          vowel-vowel sounds na yan. Like, dapat long o sa word na “low” 
          kasi dapat iwasan yung nakaka-confuse sa mga tao. 
          Minsan, may mga lapses pa rin ako.
Mindy: Ako rin naman may mga lapses ah. Sino ba'ng perfect?
Frida: Ikwento mo nga ulit yung pinuna sa ‘yo dati.
Mindy: Alin? Yung "th"?
Frida: Hinde…yung vowel sound ng Tagalog word.
Mindy: Ahh…Minsan, pinansin ako ng kapatid ko. Kasi naman, instead na “pero,” 
           nasabi ko “perow” – naging long o! ha-ha-ha! But it was unintentional.
Frida: I believe you. And I understand…it happens! It can happen to anyone.
Mindy: Wow, Ingles yun ah!
Frida: Bakit, ikaw lang ba pwedeng mag-English?
Mindy: Ha-ha-ha! Of course not!

Biglang huminto sa paglalakad si Mindy. Niyaya nya akong pumunta kami sa tattoo shop.

Mindy: Magpa-tattoo kaya ako?
Frida: You mean, ngayon?
Mindy: Hindi naman...tingin lang muna tayo. Saan na nga ba yung shop na yun?
Frida: Ayun! Tara!

Pagdating namin sa Tattoo Shop, hindi na kami pumasok sa loob. May malaking poster kasi sa labas.



Mindy: Ang dami namang tanong! Kelangan ba talagang sagutin lahat yan sa
           application form?
Frida: Haynaku! Uwi na tayo...

- * - * - * - * - * - * - - * - * - * - * - * - * - * -

Salamat, Frida. Ako ay umaasa at nananalangin na pagkapulutan ng aral ang iyong kwentong nangyari kahapon lamang.


3 comments:

  1. Replies
    1. This would be a reality only if we allowed it. Let's go for what is right and proper according to our conscience. Let us not be influenced by anyone who uses his power inappropriately.

      Delete
  2. Ha, ha, ha, this is a hilarious satire! C'mon, email it to Ricky Lo(w).

    ReplyDelete