March 11, 2012

Ano'ng ginawa ni Charice?

Sa totoo lang, di ko alam san ako mag-uumpisa. Pero sige lang. Kahit saan. Basta ang alam ko, may tanong ako. Ano'ng ginawa ni Charice? Sumali sya sa mga singing contests. Nanalo, natalo, nag-runner-up. Nilagay video nya sa YouTube tapos nag-Korea, nag-Ellen, nag-Oprah. Kumanta sya kasama ni David Foster. Nagpunta sa iba't-ibang bansa para kumanta. Nag-Glee din sya. Nagkaron ng international albums. May ipapalabas din na Hollywood film na Here Comes the Boom. Ngayon may solo concert tour sya sa Asia.

Ano pa'ng ginawa ni Charice? Heto ang usap-usapan ngayon. Hindi yung Infinity concert nya sa Araneta kundi yung bago nyang hair at tattoo! Ang siste, yung short hair nya at tattoo e pinagpyestahan ng mga haters at crababayan nya. Naku, lesbian at adik na daw si Charice! Ows, talaga?

Teka, teka...di ba kelan lang ang issue e yung pinoto-shop daw nyang picture sa cover ng Preview Mag? Tinanggal daw yung pimple nya. Ginawa din yan sa picture ko noon para sa college annual namin. Ano, looks na naman ba ang topic ngayon? Mahaba ang hair, issue. Maikli ang hair, issue. Sabi nga ni Charice noon, “Kelan ba naman ako naging maganda sa mga haters?” At yung tattoo, ang dami dyang celebrities at ordinaryong tao na may tattoo. Sa panahon ngayon, di porke’t may tattoo ka, ex-con o adik ka na. Dahil lang sa hair at tattoo ganun na? Di pa sila siguro nakakapanood ng reality show na Miami Ink.

So, ano'ng ginawa ni Charice? Sinabi nya yung style at image nya ngayon, yun ang Charice. At dun sa reporter na nagtanong tungkol sa sexuality nya, sabi nya, "Why would you ask me that question? I think that's a very inappropriate question." Aray! Napaka-showbiz kasi kung magtanong. Onli in da Pilipins.

And speaking of da Pilipins, kelan lang e maraming pinoy ang nag-react sa pagkakabanggit ni David Letterman ng "Philippines" sa interview nya kay Taylor Kitschs. Nagkaron kasi ng airport delay si Kitschs at nagkwento sya ng practice of corruption sa customs ng airport. Pero di pala sa Pinas nangyari yun. Naku, pano na ang tourism campaign effort ni Secretary Jimenez? Ano nang mangyayari sa "It's more fun in the Philippines" line? Naalala ko tuloy yung batikos sa Desperate Housewives character Susan played by Teri Hatcher. Sa script kasi may pahiwatig na delikado ka pag ang doktor mo ay Pinoy. Nag-public apology si Teri noon. Nag-public apology na ba si David Letterman o si Taylor Kitschs? Or at least, kinorek na ba nila ang name nung country?

Naisip ko lang…kapag nalalait ang image ng Pinas sa ibang bansa, ang bilis ng mga reaction. Pero bakit kung makapanlait ang mga crababayan kay Charice, walang humpay? Ipinangangalandakan ang kababawan at kabalastugan. Ang sama nito, yung iba galing pa sa reporters (kuno) at maririnig mo sa TV o radyo o kaya nakasulat sa mga broadsheets na para namang tabloid. Hindi magandang gawin sa kahit na sinong tao--celebrity man o hindi--ang mga di-kaigaigayang ginagawa nila kay Charice. Parang di nila nare-realize na reflection ito ng buong image ng Pinoy. Nagtataka nga ang mga taga ibang bansa e. Di nila maintindihan kung bakit karamihan ng mga negative about Charice ay galing sa mga Pinoy. Kung minsan, sobra na at nakakahiya at nakakasuya.

Ooops...opinyon ko yan. I have the right to speak. This is a free country. It's freedom of speech in a democratic country. O, di ba? Para lang yang mamang nagtatago sa saya ng kanyang asawa.

Calling P-Noy...ano'ng dapat gawin? Naalala ko yung sinabi mo sa SONA last year. Sabi mo, dapat itigil na ang utak-alimango. Utak-talangka. Pano? San dapat magsimula? Tapos may bill pang anti-cyber bullying. Pano mapupuksa ito? Very challenging yan. Sabi ng iba, yan ay nasa mga parents. Ang iba naman nahahawa daw sa mga barkada. Peer pressure baga. E ang media, nakakaapekto ba? Syempre naman. E ang school? Aba, oo! E ang mga pulitiko? Oo naman. E ang showbiz? Kailangan pa bang itanong yan? Ito ay hamon kay P-Noy at sa Pinoy. Una sa lahat, aminin na may problema. Pano tayo aangat kung may nanghihila pababa? Kelangan bang itumba ang iba para umangat ka? Ang buhay ay hindi parang boksing. Kahit tanungin mo pa si Pacman. 

Mabalik tayo kay Charice. Ano nga ba'ng ginawa ni Charice at hate sya ng iba? Mayabang daw e. Di ba pwedeng confident lang? Pa-slang-slang pa kasi e. Di ba pwedeng nag-improve lang sya sa English? Bakit di kasi mag-Tagalog pag nasa Pinas? Di ba sya pwedeng mag-English tulad ng ibang artists na nakikita natin sa TV? Ang drama nya kasi e. Di ba pwedeng nagpapakatotoo lang sya? Ang panget nya kasi e. Di ba pwedeng na-influence ka lang ng media kung ano ang maganda?

Kababayan, ano'ng ginawa para sa iyo ni Charice? Crababayan, ano'ng ginawa sa iyo ni Charice? Sa nagbabasa nito, alin ka? Isa ka bang kababayan o isa kang crababayan?